[Gabay sa Kompensasyon sa Aksidenteng Industriyal- Kung nasugatan ka sa trabaho, siguraduhing suriin ito!]
- Sinuman ay maaaring makatangap ng kompensasyon mula sa industrial accident insurance
- Ito ay naaangkop sa anumang kumpanya na may 1 o higit pang trabahador. Kahit na hindi nakapagpatala ang employer sa insurance, ipapatupad ito nang sapilitan kapag nagkaroon ng sakuna at maaari kang makatanggap ng kompensasyon.
- Ang mga undocumented migrant workers ay nakakakuha rin ng benepisyo industrial accident insurance katulad ng mga Korean.
(Gayunpaman, ang mga kumpanyang pinatatakbo ng mga non-corporate entity sa industriya ng agrikultura, forestry, fishery at hunting (hindi kabilang ang logging) at may regularna mas mababa sa 5 empleyado ay awtomatikong hindi kasama sa saklaw ng aplikasyon.)
- Pag-aaplay para sa industrial accident compensation, hindi kailangan ng permiso ng employer
- Kapag nagkaroon ng aksidente, ang manggagawa mismo ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa tanggapan ng Korea Workers' Compensation & Welfare Service na may hurisdiksyon sa lugar na pinagtatrabahuhan. Walang anumang magiging balakid sa pagsusumite ng aplikasyon kahit na tumutol ang employer o hindi nito pirmahan ang dokumento.
- Sa ganitong kaso, maaari kang makatanggao ng kompensasyon
- Ang pagkakaroon ng aksidente hindi lamang sa loob ng trabaho kundi pati na rin sa karaniwang ruta papasok at pauwi, sakit na may kaugnayan sa trabaho, atbp., na nangangailangan ng higit sa 4 na araw ng paggamot o nagdulot ng kamatayan, ay sakop ng kompensasyon.
- Pangunahing kompensasyon na matatanggap kapag inaprubahan ang industrial accident
- Medical Care Benefits: buong gastos sa pagpapagamot tulad ng bayad sa ospital, bayad sa operasyon, at presyo ng gamot
- Temporary Disability Benefits: 70% ng average wage ang ibinabayad para sa panahon na hindi makapagtrabaho dahil sa pagpapagamot (Kung mas mababa sa minimum wage, ginagarantiyahan ang minimum wage.)
- Permeanent Disability Benefits: Ibabayad ayon sa grado kapag may naiwang kapansanan sa katawan pagkatapos ng pagpapagamot
- Civil compensation: Bukod sa kabayaran sa aksidenteng industriyal, kung may pagkukulang ang kumpanya, posible rin ang hiwalay na paghahabol para sa danyos.
- Mag-aplay bago mahuli ang lahat (statute of limitations)
- Medical Care Benefits: Sa loob ng 3 taon mula sa petsa ng aksidente
- Disability, Survivors' Benefits o Gastos sa Libing: Sa loob ng 5 taon mula sa petsa ng aksidente (o pagkumpirma)
- Kapag lumipas ang oras, mawawala ang karapatan, kaya't mas mainam na mag-aplay nang mabilis hangga't maaari.
○ [Mga Hakbang na Dapat Gawin Kapag Nagkaroon ng Aksidenteng Industriyal: 7 Paraan Para Pangalagaan ang Iyong Karapatan]