4.1. Karapatan ng mga Manggagawang Tumanggap ng Sahod
○ Ang sahod ay dapat bayaran sa petsang itinakdang babayaran ito kada buwan.
○ Kailangang ang mismong manggagawa ang tumanggap ng kanyang sahod.
○ Ang sahod ay kailangang matanggap bilang pera na maaaaring magamit.
○ Kailangang mabayaran ito nang buo.
○ Kailangan mong makatanggap ng pay slip.
4-2. Minimum Wage at Karagdagang Allowance
1) Ang minimum wage kada oras sa 2026 ay 10,320 won!
| **구분
| Kategorya** | 2025 (01.01~12.31) | 2026 (01.01~12.31) |
|---|---|---|
| 최저시급 | ||
| Minimum Wage Kada Oras | 10,030 won | 10,320 won |
| 일급(1일 8시간 기준) | ||
| Kada Araw (base sa 8 oras isang araw) | 80,240 won | 82,560 won |
| 월급(1주 40시간, 유급주휴 8시간 포함) | ||
| Kada Buwan (40 oras kada linggo, kasama ang 8 oras na bayad na weekly leave) | 2,096,270 won | 2,156,880 won |
Bigyang Pansin!
Kung ikaw ay nasa probation sa ilalim ng standard employment contract, maaaring bumaba ng 10% ang iyong minimum wage hanggang tatlong buwan mula sa simula ng probationary period.